Nasilat ng New Orleans Pelicans ang top team na Phoenix Suns sa iskor na 125-114, kaugnay sa nagpapatuloy na first round ng NBA playoffs sa Western Conference.
Dahil dito tabla na ang best-of-seven series sa tig-isang panalo.
Naging daan sa panalo ng Pelicans ang all-around performance ni Brandon Ingram na may 37 points, 11 rebounds at nine assists.
Nag-ambag naman si CJ McCollum ng 23 points.
Sinasabing ito ang kanilang first postseason victory mula pa noong taong 2018.
Sinamantala ng Pelicans ang pagkawala ng Suns All-Star guard at top scorer na si Devin Booker na dumanas ng right hamstring tightness sa third quarter.
Pagsapit kasi ng fourth quarter ay hindi na nakabalik pa ito sa game.
Ang Game 3 ay gagawin sa Martes sa teritoryo na ng New Orleans.