-- Advertisements --

Handang ampunin ng Partido Demokratiko Pilipino- Lakas ng Bayan (PDP-Laban) si dating Senator Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr bilang bagong miyembro ng partido.

Sinabi PDP-Laban acting Secretary General Melvin Matibag na ito ay kung papayag si Marcos sa mga ipinapatupad na panuntunan at prinsipyo ng partido.

Isa lamang itong paraan ng pagpapalawak nila ng partido na sa kasalukuyan ay mayroong mahigit 100,000 ang miyembro nila.

Nauna rito inindorso ng partido ang tambalang Senator Christopher ‘Bong’ Go bilang pangulo at President Rodrigo Duterte bilang bise presidente sa 2022 elections.