Nagpaliwanag ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na ang panibagong insidente ng glitch ay dahil nagkaproblema ang isa nilang makina.
Ito ay kaugnayan sa batikos na ipinupukol sa PCSO noong 3Digit o Swertres Lotto Game nitong Pebrero 27.
Sa nasabing draw kasi ay nahulog ang bola na unang nakuha na ng isa sa kanilang makina kaya kanilang pinalitan ang makina ganun din ang inilabas na resulta.
Sinabi ni PCSO General Manager Mel Robles na nakahanda sila nasabing insidente kaya may mga back-up silang mga makina sakaling nagkaroon ng ‘minor glitch’.
Hindi lamang ito ang unang pagkakataon na nangyari ang insidente dahil noong nakaraang mga taon ay mayroon ng kaparehas na pangyayari.
Pagtitiyak niya sa publiko na malinis ang mga draw na kanilang ginagawa dahil bawat draw ay mayrong nakabantay na mga opisyal ng Commission on Audit.