-- Advertisements --
Inanunsyo ng Philippine Coast Guard (PCG) na walang namonitor na oil spill sa banggaan ng isang cargo at foreign utility vessel sa South Harbor Anchorage area sa Manila bandang alas-2:10 ng madaling araw noong Huwebes.
Ayon kay PCG spokesperson Commodore Armand Balilo, aabot sa 3,000 litro ng diesel ang laman ng MV Pawalan Pearl.
Sakali man aniyang tumagas ito, wala pa ring dapat na ipangamba dahil ito ay ordinaryong diesel lamang.
Sa oras namang tumagas ito, sinabi ni Balilo na ito ay magdi-dissipate lamang sa init ng araw o dahil na rin sa lakas ng alon.
Nabatid na tumama ang vessel sa unahang bahagi ng cargo vessel at masuwerteng walang napahamak sa insidenteng ito.
















