-- Advertisements --

Nakahanda na ang Coast Guard District Southern Tagalog sa inaasahang pagtama ng bagyong Ramil sa Southern Luzon.

Ngayong araw (Oct. 18) ay nag-activate na ito ng Deployable Response Group para sa posibleng pagdeploy sa mga lugar na maaapektuhan o direktang dadaanan ng bagyo.

Naka-standby din ang mga ito para sa mga serye ng preemptive evacuation sa vulnerable communities at coastal areas.

Ayon sa CGDST, bawat DRG ay may sapat na manpower, supplies, at assets para sa pagsasagawa ng search and rescue operations, evacuation assistance, at iba pang humanitarian response sakaling kailanganin.

Nagdeploy na rin ito ng mga liaison officer sa mga lokal na pamahalaan at iba pang ahensiya upang masiguro ang mabilis na komunikasyon at organisadong pagtugon sa anumang insidente.

Ang naturang Coast Guard District ang may saklaw sa mga probinsya sa Calabarzon tulad ng Batangas at Quezon at mga coastal province sa Mimaropa tulad ng Occidental at Oriental Mindoro na kapwa nasa ilailm ng wind signal warning ng bagyong Ramil.