Umaabot na sa kabuuang bilang na 30,000 ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) na responsable sa pagbabantay sa ating mga dalampasigan.
Halos 90% o 26,304 dito ay binubuo ng mga enlisted personnel, habang nasa 10% naman o 2,953 ang mga commissioned officers.
Tuluy-tuloy ang paglawak ng Coast Guard workforce, a;insunod sa direktiba nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr at Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista.
Kahapon lamang, matagumpay na natapos ang Coast Guard training sa Regional Training Center-Misamis Oriental.
Kabilang ang mga ito sa Coast Guard Non-Officers’ Course (CGNOC) Class 94-2022 “Class Mabitalak.”
Inaasahang makadaragdag ang mga ito sa mga magpaparolya laban sa mga pirata, iligal na paglalakbay at mga barkong may paglabag sa mga protocol ng transportation department.