Nanindigan ang Philippine Coast Guard (PCG) na ang mga narekober na sako sa Taal Lake na bahagi pa rin ng retrieval operations sa mga labi ng mga nawawalanmg sabungeros ay hindi planted.
Sa isang panayam, binigyang diin ni PCG Spokesperson Noemi Cayabyab na lehitimo ang kanilang ikinakasang operasyon sa naturang lawa at isa itong bahagi ng isang pormal na imbestigasyon sa isang kaso.
Ani Cayabyab, mariing na kinokondena ng kanilang himpilan na planted lang ang nakitang sako sa Taal Lake dahil ang layunin ng bawat diving operations na kanilang ginagawa ay para makapaghatid ng hustisya at katotohanan.
Dagdag pa ng tagapagsalita, huwag sanang bigyan ng ganitong klase ng mga espekulasyon ang kanilang operasyon dahil nakataya rito ang buhay ng bawat technical divcers na sumisisid sa kabilang ng kondisyon ng tubig sa naturang lawa.
Samantala, sa kabila naman ng mga challenges na kanilang kinkakaharap gaya ng klima sa lugar, laki ng alon, at maging alert level ng Bulkang Taal ay tiniyak pa rin ni Cayabyab na magpapatuloy lamang ang isinasagawang diving operations hanggang sa may mga ma-retrieve pang ‘suspicious objects’ mula rito.