PCG photo

Gagamit ng dagdag na pwersa ang Philippine Coast Guard (PCG) dahil sa inaasahang pagbuhos ng maraming byahero sa mga susunod na araw.

Ayon kay Coast Guard spokesman Capt. Armand Balilo, pinakamaraming naitatalang pasahero sa ganitong panahon dahil sa mahaba ang bakasyon para sa semana santa.

Bukod dito, may mga regular din umanong magpapatrolya sa mga bahagi ng dagat na dinarayo ng mga turista, maliban pa sa mga tauhan nilang magpapatrolya sa West Philippine Sea at iba pang bahagi ng ating teritoryo.

Kaya naman, kanselado muna ang lahat ng bakasyon ng PCG personnel, maging ang mga byahe at iba pang aktibidad sa labas ng bansa.

Tiniyak naman ng PCG na may sapat ding kasanayan ang kanilang auxiliary force para pangasiwaan ang ibang trabaho ng kanilang tanggapan.

-- Advertisement --