-- Advertisements --

Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na patuloy nitong isusulong ang Maharlika Investment Fund Act of 2023 para maging operational sa katapusan ng 2023.

Aminado ang Pangulo na siya ay naalarma sa mga ulat patungkol sa Maharlika Investment Fund.

Paliwanag ng Chief EXecutive ang dahilan kung bakit niya sinuspinde ang pagpapatupad ng Implementing Rules and Regulation ng nasabing batas upang makita kung may mga dapat pang ma-imporved ng sa gayon maging perfect at walang butas na masilip.

Binigyang-diin ng Pangulo na ang konsepto ng Maharlika Investment Fund bilang isang sovereign fund ay maganda kaya patuloy nitong isusulong para maging operational ngayong taon.

Punto ng Pangulo hindi dapat ma misterpret ang kaniyang ginawa na pagsuspinde sa implementasyon ng IRR dahil naghahanap lamang sila ng paraan.

Ibinahagi ng Pangulo na aayusin nila ang organizational structure ng Maharlika Investment Fund.

Siniguro din nito na kaniyang ipiprisinta sa Saudi Arabia at iba pang bansa Middle East ang Maharlika Investment Fund.

” I was a bit alarmed by the news reports early this morning that I read in the newspapers that we have put the Maharlika Fund on hold. Quite the contrary. We are, the organization of the Maharlika Fund proceeds apace, and what I have done though, is that we have found more improvements we can make, specifically to the organizational structure of the Maharlika Fund, the concept of the Maharlika fund as a sovereign fund, an investment fund, the concept remains a good one and we are still committed to having it operational by the end of the year,” pahayag ni Pang. Marcos.