-- Advertisements --
image 664

Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ipagpapatuloy ng kaniyang administrasyon ang magandang nagawa sa loob anim na taong panunungkulan ng kaniyang predecessor na si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Ito ang naging mensahe ng Pangulo kasabay ng pagpapaabot ng pagbati sa ika-78 taong kaarawan ni PRRD.

Hiniling din ng Punong ehekutibo kay Duterte na huwag mag-alala kung ano ang nasimulan niya sa kanyang termino dahil patuloy aniyang sisiguraduhin na magiging matagumpay ang mga proyektong sinimulan ni Duterte.

Inamin din ni Pangulong Marcos na naiintindihan na niya ngayon kung bakit karaniwang nagmumura ang dating pangulo na parehong nagpamahal kay Duterte sa kanyang mga tagasuporta at ikinagalit naman ng kanyang mga kritiko.

Si Duterte ang ika-16 na pangulo ng bansa na naglingkod mula 2016 hanggang 2022.