-- Advertisements --

Tiniyak ni Pang. Ferdinand Marcos Jr., na may sapat na food buffer stock ang bansa para sa 1st quarter ng 2024.

Umapela naman ang Pangulo ng suporta mula sa publiko upang palakasin pa ang paghahanda sa El Niño phenomenon na lalong titindi sa kalagitnaan ng 2024.

Binigyang-diin ng chief executive ang kahalagahan na maghanda at i apply ang mga natutunan ng bansa nuong pandemic lalo na sa suplay ng mga agricultural products.
Sinabi ng Pangulo maaapektuhan ang supply chain sa pagkain kapag walang sapat na suplay sa tubig.

Kaya ngayon pa lamang ay naghahanda na ang gobyerno para ma mitigate ang epekto ng El Nino phenomenon.

Inatasan ng Pangulo ang ibat ibang sektor ng pamahalaan na maghanda na para taasan ang water capacity ng sa gayon magkaroon ng sapat ng suplay ng tubig sa sandaling tumama ang tagtuyot lalo na sa mga urban areas.

Dagdag pa ng Pangulo, dapat matiyak na may sapat na suplay ng tubig sa mga hospital sa panahon ng tagtuyot.