-- Advertisements --

Kinumpirma ni Palace Press Officer USec. Claire Castro na tinanggap na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang boluntaryong pagbibitiw nina Executive Secretary Lucas Bersamin at DBM Secretary Amenah Pangandaman.

Ayon kay USec. Castro, nagbitiw sa tungkulin sina Bersamin at Pangandaman matapos madawit sa isyu ng budget insertions.

Dagdag pa ni Castro, ginawa ng dalawa ang hakbang bilang pagpapakita ng delikadeza.

Nagpaabot naman ng pasasalamat si Pangulong Marcos sa naging serbisyo nina Bersamin at Pangandaman sa pamahalaan.

Itinalaga ni PBBM si Secretary Ralph Recto bilang bagong Executive Secretary, habang si Secretary Frederick Go ang bagong Finance Secretary, at si USec. Rolando Toledo naman ang itinalaga sa Department of Budget and Management.