Naniniwala si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na malaki ang potensiyal ng Pilipinas at Hawaii sa ugnayang pang ekonomiya at kalakalan dahil maraming mga bagay na nagkakahawig ito lalo na sa ilang lugar sa bansa.
Ginawa ng Pangulo ang pahayag ng mag courtesy call ngayong hapon sa Palasyo ng Malakayang ang mga miyembro ng Filipino Chamber of Commerce of Honolulu at Honolulu City Council Trade Mission.
Nasa bansa ang grupo upang magsagawa ng mga trade missions at ang posibilidad na palawakin ang ugnayan ng Pilipinas at Hawaii.
Hinikayat naman ng Pangulong Marcos ang mga Filipinong negosyante sa Hawaii na tignan at ikunsidera ang potensiyal na maglagak ng puhunan sa bansa.
Ikinatuwa naman ng Chief Executive na mas marami na ngayon ang nagkaka interes na mamuhunan sa Pilipinas kaya lalo pang pahuhusayin ng Pilipinas ang mga hakbang ng sa gayon ang mga potensiyal na ito ay magkatotoo.
Binigyang-diin pa ng Pangulo na ginagawa na ngayon ng kaniyang administrasyon ang lahat upang gawing mas madali ang pamumuhan sa bansa at hindi mahihirapan ang mga investor.
Aniya, napaka halaga sa Pilipinas ang kalakalan sa Hawaii dahil sa taglay nitong kuneksiyon na maituturing na rin na isang tradisyon.