Binigyang-diin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na sa panahong ito na nahaharap sa maraming hamon ang bansa at sa mahirap na tanong kung mapagkakatiwalaan ba ang pamahalaan, sinabi ng Pangulo dapat pa rin pagkatiwalaan ang pamahalaan.
Mensahe ito ng Pangulo sa ginanap na awarding para sa 2025 outstanding Filipinos.
Pinangunahan ng Pangulo ang paggawad ng parangal sa 10 natatanging mga Pilipinong Lingkod Bayan.
Ipinunto ng Presidente, sa bawat bawat guro, pulis at sundalo na nagsi serbisyo ng tapat ito ang panlaban sa katiwalian at korapsyon .
Dahil dito binigyang-diin ng Pangulo na nagsusumikap ang administrasyon na ituwid ang mga maling gawi sa gobyerno.
Pagtiyak nito na tuloy tuloy aniya ang paglilinis ng pamahalaan sa hanay ng mga opisyal at kawani ng pamahalaan para patunayan na bawat lingkod bayan ay karapat dapat sa tiwala ng taongbayan.
Aminado ang Pangulo na hindi madali ang paglilinis sa pamahalaan, sadyang mahirap at kung minsan pa ay masakit subalit sa dulo ay sulit naman.
Ayon sa pangulo ang bawat indibidwal na binigyang parangal ay ang mukha ng bagong pilipinas, na ang katapatan ay hindi lamang hangarin kundi isang pamantayan ng pagkilala.