Hinikayat ni Pang. Ferdinand Marcos Jr., ang mga sundalo sa Caraga region na magpatupad ng bagong approach sa pagtugon sa internal conflict kung saan hinimok nito ang militar na maging “peacemakers” habang nakikipaglaban sa rebeldeng grupo para makamit ang peace and order.
Binisita at kinausap ni Pang. Ferdinand Marcos Jr., ang mga tauhan ng Philippine Army’s 401st Infantry Brigade na naka base sa Prosperidad, Agusan del Sur.
Pinasalamatan ng Chief Executive ang mga ito sa kanilang dedikasyon para mapanatili ang kapayapaan hindi lang sa paglaban sa komunistang grupo kundi ang kahandaan ng mga ito sa pagsaklolo sa panahon ng sakuna.
“Iba ang ating approach sa ating internal conflicts that we have within the Philippines at hinihingi natin sa ating mga sundalo ay kailangan maging war fighter and we still need war fighters and we still need the courage and the bravery and the sacrifice that you have shown,” pahayag ng Pangulong Marcos Jr.
Inihayag ng Pangulo na ang misyon ng mga sundalo ay hindi lamang makipag giyera dapat maging peacemakers ang mga ito.
Binigyang-diin ng Pangulo na dapat suportahan din ng military ang programa ng gobyerno na nagbibigay ng hanapbuhay, lupa at matitirhan ang mga rebeldeng nais magbalik loob sa gobyerno.
Ang Joint Task Force (JTF) Diamond, ay binubuo ng Phil. Army’s 401st, 402nd, 403rd, at 901st Infantry Brigades, na ang areass of operation ay sa Caraga at Northern Mindanao.
Ipinagmalaki naman ng JTF Diamond ang kanilang naging accomplishments ang pag neutralized sa 200 communist rebels/terrorists kung saan 144 ang sumuko, 44 nasawi, dalawa ang captured at ang pagkumpiska sa 311 na mga armas .