-- Advertisements --

Todo papuri si Pang. Ferdinand Marcos kay dating Finance Secretary Benjamin Diokno sa mga nagawa nitong mga accomplishments para maging maayos ang ekonomiya ng bansa.

Kinumpirma din ng Pangulo na tinanggihan ni Diokno ang alok na maging bahagi ng pamunuan ng maharlika investment corporation para sa pangangasiwa ng soverign fund ng bansa.

Gayundin, magsilbi sana siyang liaison o tagapamagitan ng pribadong sektor at ng gobyerno para sa pagsusulong ng mga proyekto ng pamahalaan.

Ayon sa Pangulo batay sa kanilang pag-uusap ni Diokno na hindi niya “forte” o “expertise” na pangasiwaan ang investment fund.

Nais umano ni Diokno0 na bumalik na lamang sa Bangko Sentral ng Pilipinas at magsisilbing miembro ng monetary board.

Nilinaw naman ni Pang. Marcos na hindi sila nagpapalit ng kabayo sa gitna ng karera kundi sadyang pakiramdam aniya ni Sec Diokno na panahon nang bumalik sa kaniyang dating tahanan o sabi ng pangulo ay natural habitat.

Dagdag pa ng Pangulo na dapat sana ay nagretiro na noong kalagitnaan ng nakalipas na taon si Diokno subalit pinagkaisahan aniya nila ito na ituloy pa muna ang pangangasiwa sa Dept of Finance dahil sa pagnanais na rin niyang mailagay sa tamang direksyon ang ekonomiya ng bansa.