Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang pagdiriwang ng ika- 61st founding anniversary ng Special Forces Regiment Airborne (SFRA) ng Philippine Army ngayong araw, June 25,2023 na ginanap sa Fort Magsaysay sa Palayan City, Nueva Ecija.
Na may temang ‘SFRA: Competent, Resilient, and Effective Special Operations Forces (SOF).’
Pinanood ng Pangulo ang isang audio-visual presentation na hinanda ng SFRA at ipinagkaloob ang award sa mga combat awardees, unit awardees, at civilian and government official awardees.
Nakatakda namang tanggapin ng SFRA ang Army Governance Pathway Proficient Status na may Gold Trailblazer mula sa Commander-in-Chief, kasama ang Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Andres Centino dahil sa pagpapakita ng kultura ng mabuting pamamahala at kahusayan sa pagganap.
Ang nasabing parangal ay tatanggapin ni Special Forces Regiment Commander Brigadier General Ferdinand Napuli.
Dahil naman sa masamang panahon, kanselado na capability display ang pagpapakita sana ng kakayahan nito na magtatampok sana ng Military Free Fall (MFF) at isang hostage situation scenario.
Ang SFRA ay isa sa mga elite forces ng Philippine Army.