-- Advertisements --

Kinumpirma ni US President Donald Trump ang pagkansela ng biyahe ng kaniyang kinatawan sa Islamad, Pakistan.

Magtutungo sana sina US envoySteve Witkoff at Jared Kushner sa Pakistan para magkaroon muli ng pag-uusap sa mga opisyal ng Iran.

Giit ni Trump na hawak nila ang maraming baraha at maaari sila ay tawagan ng anumang oras.

Dagdag pa ng US President na maraming biyahe na ang nasayang kaya kung seryoso ang Iran sa pag-uusap ay tawagan na lamangsila.

Maraming mga kuwestyon sa mga pamumuno ng Iran kaya mahirap na sila ay mapagkatiwalaan.

Magugunitang nagkaroon na ng ilang mga pag-uusap sa pagitan ng US at Iran para tuluyan ng matigil ang giyera.