-- Advertisements --

Mahigpit na ipinag-utos ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu sa kaniyang mga sundalo ang matinding pag-atake laban sa mga Hezbollah na nasa Lebanon.

Inakusahan kasi ng Israel ang Hezbollah na lumabag sa ipinatupad na ceasefire.

Ipinagmalaki rin ng Israel Defense Forces na naging matagumpay ang kanilang airstrikes sa mga kuta ng mga Hezbollah sa southern Lebanon.

Magugunitang una ng sinabi ni US President Donald Trump na ang ceasefire sa pagitan ng Israel at Lebanon ay maaaring mapalawig pa ng hanggang tatlong Linggo.