Kinumpirma ni Health Secretary Teodoro Herbosa na inaprubahan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang pagtanggal sa public health emergency status sa bansa.
Sinabi ni Herbosa, nakatakdang maglabas ng executive order (EO) ang pangulo hinggil dito subalit hinihintay pa ng chief executive ang resolution ng InterAgency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases.
“Yes, actually, this was one of his first instructions to me, to really get out of the COVID pandemic,” pahayag ni Secretary Herbosa.
Inihayag ni Herbosa na kasalukuyang ikinukunsidera ng World Health Organization (WHO) na ang Covid-19 ay isa na lamang sakit sa respiratory.
Ayon kay Herbosa kahit inirekumenda na ng IATF ang pag-alis sa health emergency, kailangan pa rin pag-aralan ng Office of the President ang ilan pang mga konsiderasyon.