-- Advertisements --

Nakatakdang lagdaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos ngayong araw ang tatlong panukalang batas upang maging ganap na batas, kabilang dito ang senior citizen act.

Ang pagpapalawak ng benepisyo para sa mga senior ay nakapaloob partikular sa amyenda ng centenarian act o ang Republic Act 11983.

Nakasaad din sa inamyendahang batas na pagtuntong ng edad otsenta ng Isang senior citizen ay dapat na itong makatanggap ng P10,000 at kapag inabot naman ng 90-anyos P20,000 na ang cash gift.

Mananatili naman sa P100,000.00 ang matatanggap kapag umabot sa edad na isangdaan bukod pa sa letter of felicitation na manggagaling sa Presidente.

Ang iba pang panukala na nakatakdang lagdaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr ay ang Tatak Pinoy Act at ang Magna Carta of Filipino seafarers.

Gaganapin sa loob ng Palasyo ng Malakanyang ang ceremonial signing na tutunghayan ng matataas na opisyal ng pamahalan kabilang ang mga mambabatas mula sa Senado at Kamara.