-- Advertisements --

Muling bumiyahe patungong Melbourne si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., para dumalo sa ASEAN-Australia Summit mula March 4 hanggang March 6, 2024.

Sinabi ng Chief Executive kasabay din ito sa paggunita ng 50 years ASEAN-Australia relations at batay na rin sa imbitasyon ni Australian Prime Minister Anthony Albanese.

Alas-8:21 kaninang umaga ng lumipad ang PR-001 kung saan lulan ang punong ehekutibo, si First Lady Liza Marcos at ang buong delegasyon ng Pilipinas.

Nakatakda naman dumating ang Pangulo sa Australia mamayang alas-4:26 ng hapon (Philippine time) o alas-7:26 ng gabi (Australia time).

Kasama sa biyahe ang ilang gabinete gaya nina DTI Secretary Alfredo Pascual, National Security Adviser Sec. Eduardo Ano at iba pa.

Itinalaga naman ng Presidente si Vice President Sara Duterte bilang officer-in-charge.

Isusulong nag Pangulo sa Summit ang paninindigan ng Pilipinas sa regional and international issues para sa seguridad.