-- Advertisements --

Target ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. na magkaroon ng komprehensibo at holistic approach sa pagresolba sa lumalalang problema sa traffic dito sa kalakhang Maynila.

Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni NEDA Sec. Arsenio Balisacan na ayaw na ng Pangulo ng piecemeal approach na siyang nakagawian sa mga nakalipas na taon.

Inihalimbawa ni Balisacan na sa pagpaplano ng transport system, dapat tingnan ang intermodal system at kung paano itong epektibong mag-ooperate.

Binanggit ng kalihim ang itinatayog subway, expressways, mga tulay at iba pa na kailangan anyang mapag-aralan rin kasama ang bike lanes, motorcycle lanes, feeder roads at maging ang location ng mga industriya at kabahayan.

Paliwanag nito, kapag kasi nagka-aberya sa isang sistema, apektado rin ang kabuuan kaya mainam na maplano ng maayos.

Kaugnay nito, pinagsusumite ni Pang. Marcos ng rekomendasyon ang mga ahensya kung paano mag-aadjust at magbabago ang trabaho sa kanilang mga tanggapan.