Muling hinimok ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang publiko na magpabakuna at booster shot na bilang proteksyon sa kanilang mga sarili laban sa COVID-19.
Ipinahayag ito ng presidente matapos siyam sumailalim sa seven day isolation nang magpositibo ito sa nasabing sakit sa ikalawang pagkakataon.
Sa isang video na kaniyang inilabas ay muling binigyang-diin ni Marcos Jr. ang kahalagahan ng pagpapabakuna lalo na ang booster shot.
Dito ay inihalimbawa niya ang kaniyang sarili at sinabing baka mas naging malubha pa aniya ang kaniyang kalagayan ng dahil sa nasabing virus kung hindi dahil sa proteksyon na dala ng kaniyang bakuna at booster shot.
Samantala, ibinahagi rin naman ng puong ehekutibo na sinat at sore throat lamang ang kaniyang naramdaman noong siya ay magpositibo nitong nakaraan lamang.
Magugunita na noong Marso 2020 ay unang nagpositibo sa COVID-19 si Marcos Jr. matapos ang kaniyang pagbisita sa Europa.