Mariing kinondena ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang pananambang sa apat na sundalo sa Maguindanao del Sur nitong weekend March 17,2024 ng teroristang grupo.
Sinabi ng Pangulo na ang kasumpa sumpang aksyon na ito ang dahilan kung bakit pinalalakas ng pamahalaan ang pagwawalis sa terorismo sa rehiyon at sa buong bansa.
Ayon sa Presidente, sa ilalim ng kaniyang pamumuno, nananatili ang pangakong tiyakin na maigagawad ang agarang hustisya para sa apat na nasawing mga sundalo.
Inatasan na rin ng Pangulo ang mga ahensiya ng pamahalaan na agad ipagkaloob ang kailangang tulong at iba pang mga benepisyo sa naulilang pamilya ng mga nasawing sundalo.
Binigyang diin ng Presidente na ang insidenteng ito nawa ang magbigay daan para sa pagkakaisa ng mga pilipino para sa mas ligtas, malakas at insurgency free philippines.
Sa pamamagitan ng pagkakaisa aniya ay mananaig pa rin ang katarungan laban sa mararahas na aksyon ng mga terorista.