-- Advertisements --

Nakiki-isa si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga kapatid nating Muslim para sa pagsisimula ng Ramadan.

Sa mensahe ng pangulo, sinabi nito na ang Ramadan ay panahon para sa spiritual growth at upang magnilay, at pagyamanin ang pagiging mapagbigay at pagmamalasakit sa kapwa.

Sinasalamin rin aniya ng Ramadan ang mayabong na pagkakaiba – iba ng kultura at relihiyon sa Pilipinas.

Umaasa ang pangulo na sa pamamagitan ng kaganapan na ito, mas magiging bukas at mapag-patawad ang lahat, tungo sa kabuuang pag-sulong at pag-unlad ng bawat isa at sa hinaharap ng Pilipinas.

Sa buwan ng Ramadan, mga Muslim sa buong mundo ay nag observe ng fasting, pag abstain sa mga makamundong mga bagay.

” It is my hope that this month-long celebration will strengthen our kinship, open our hearts to forigive past grievances and embrace a spirit of harmony taht wil redound to our collectice progress, Together let us build a future where love and understanding prevail and where the light of hope shines brigthly for all,” mensahe ni Pang. Marcos Jr.