Hinimok ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga senador na bumalik na sa kanilang trabaho matapos muling makansela ang dalawang magkasunod na sesyon ng Senado.
Ayon kay Pangulong Marcos, marami pang nakabinbing panukalang batas na nangangailangan ng agarang aksyon ng Senado. Marami ang nakabinbin na mga batas dahil kakatapos lang ng UPLIFT meeting para sa kinakaharap na krisis sa bansa.
Binigyang-diin ni Marcos na hindi sapat na dahilan ang pagsama kay Sen Jinggoy Estrada sa kulungan upang kanselahin ang sesyon. Iginiit din niya na may mga itinakdang patakaran sa pagkansela ng sesyon, kabilang ang abiso sa kabilang kapulungan ng Kongreso tatlong araw bago ito gawin.
Samantala, nanindigan din si Marcos na ang mga nangyayaring sigalot sa Senado ay nakaaapekto na sa pagpapatuloy ng mahahalagang gawaing lehislatibo, habang patuloy namang ginagampanan ng iba pang sangay ng pamahalaan ang kanilang mga tungkulin.
Ayon sa Pangulo, malinaw na ipinakikita ng kasalukuyang sitwasyon sa Senado ang umiiral na kalituhan sa loob ng institusyon, na aniya’y nakasisira sa kredibilidad at pamumuno ng kapulungan. Binigyang-diin niya na mahalagang maipagpatuloy ng Senado ang trabaho nito upang matugunan ang mga nakabinbing panukalang batas at iba pang usaping nangangailangan ng agarang aksyon.
















