Bumiyahe na patungong Amerika si Pangulong Bongbong Marcos para dumalo sa 77th United Nations General Assembly sa New York City.
Simula ng tumama ang Covid-19 pandemic, ito ang kauna-unahang in-person meeting na isinagawa na maituturing na historical.
Bukod sa pagdalo sa UN assembly, dadalo din ang Pangulo sa ilang bilateral meetings, business engagements at makipagkita sa Filipino community sa Amerika.
Umaasa ang Pangulo na magiging makabuluhan ang kaniyang pagbiyahe sa Amerika at magreresulta ito ng magandang balita.
Ilang mga top government officials sa pangunguna ni Vice President Sara Duterte kasama ang ibat-ibang government agencies ang nagbigay ng departure honors sa pangulo.
” I depart today to participate in the high-level week of the 77th Session of the United Nations General Assembly in New York where I will also attend bilateral meetings, business engagements and meet with the Filipino Community,” pahayag ni Pang. Marcos Jr.