-- Advertisements --

Nakatakdang bumiyahe patungong Vietnam si Pang. Ferdinand Marcos Jr. para sa kaniyang dalawang araw na state vist mula January 30 hanggang 31, 2024.

Kasama sa biyahe ng Pangulo si First Lady Liza Marcos, economic team at ilang matataas na opisyal ng gobyerno.

Ayon kay Department of Foreign Affairs Spokesperson Maria Teresita Daza na layon ng state visit na palakasin ang ugnayan ng dalawang bansa partikular ang bilateral ties sa agriculture and maritime.

Inilatag din  ni Daza ang ilan sa magiging schedule ng Pangulo.

Kabilang dito ang pakikipag pulong ni Pangulong Marcos kay Vietnam President Vo Van Thoung at Vietnam Prime Minister Pham Minh Chinh.

Inaasahang matatalakay sa kanilang pagpupulong ang pagpapalalim sa kooperasyon ng dalawang bansa sa iba’t ibang larangan.

Makikipag pulong din ang Pangulo sa business sector para isulong ang trade and investment relation ng Pilipinas at Taiwan.

Kabilang din sa schedule ng Pangulo ang Filcom meeting.

Samantala ang byahe sa Taiwan ang kauna-unahang foreign trip ng Presidente ngayong taon, ito rin ang unang pagkikita nila ni Taiwan President.