Dalawang Lugar sa Mindanao na matinding tinamaan ng El Nino ang nakatakdang bisitahin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ito ay ang Iligan city sa lalawigan ng Lanao Del Norte at ang siyudad ng Cagayan De Oro sa probinsiya ng Misamis Oriental.
Misyon ng Chief Executive na mamahagi ng Presidential assistance sa mga naapektuhang magsasaka at mangingisda sa dalawang Lugar na nabanggit sa Mindanao.
Alas-diyes ng umaga kanina ng dumating ang Punong Ehekutibo sa lunsod ng Iligan habang alas dos ng hapon ang dating ng Presidente sa Pimentel International Convention Center, sa Cagayan De Oro city.
Nung nakaraang linggo ay sa Sultan Kudarat at Zamboanga city bumisita ang Pangulo at duon namahagi ng tulong.
Una ng inihayag ng Pangulo na gagawin ng gobyerno ang lahat para mabigyan ng kaukulang tulong ang mga kababayan natin.
Ang pondo na ipamamahagi ng pangulo sq mga kababayan natin ay mula sa Presidential fund sa Office of the President.