Nakatakdang bumiyahe bukas at sa susunod na linggo sa Australia si Pangulong Ferdinand Marcos Jr bukas at sa susunod na linggo.
Sa pre departure briefing sa Malakanyang, sinabi ni Dept of Foreign Affairs Spokesperson Ambassador Maria Teresita Daza na ang unang biyahe ng Pangulo sa Australia ay bukas February 28 hanggang 29.
Ito ay para magsalita sa Australian parliament kasama ang labing anim pang heads of state.
Si Pangulong Marcos ang kauna unahang Pilipinong presidente na magsasalita sa Australian Parliament.
Ayon kay Daza sa mga nagdaang panahon ay nakapagsalita na rin sa parliament ang mag- amang dating US Presidents George Bush, dating US President Bill Clinton, Chinese President Hu Jintao, British Prime Minister Tony Blair at Chinese President Xi Jinping at iba pa.
Ayon kay Daza ang pagbisitang ito ay tinatawag na guest of government visit o maituturing na ring state visit sa bisa ng imbitasyon ni Canberra governor general David Hurley.
Pangunahing tatalakayin ng pangulo sa parliament ay ang strategic partnership sa pagitan ng pilipinas at australia na napirmahan noong nakalipas na taon.
Magkakaroon din ang Pangulo ng hiwalay na pulong sa matataas na opisyal ng Australia kabilang si Hurley at Prime Minister Anthony Albanese kung saan inaasahang pag-uusapan ang usaping may kinalaman sa kalakalan at pamumuhunan, defense and security, people-to-people exchanges, multilateral cooperation at regional issues.
Ang Pilipinas at Australia ay magdiriwang ng 78th anniversary ng diplomatic relations sa Nobyembre.
Babalik sa bansa ang pangulo sa feb 29 at muling bibiyahe sa australia partikular sa Melbourne sa March 4 to 6 para naman daluhan ang 50th anniversary ng Asean-Australia dialogue partnership.
Tinayang aabot sa higit 400,000 ang mga Pilipino na nasa Australia.