-- Advertisements --

Sentro sa magiging pag-uusap nina Pang. Ferdinand Marcos Jr. at Australian Prime Minister Anthony Albanese ay ang pagpapatuloy ng joint exercise sa pagitan ng Pilipinas at Australia.

Nakatakda kasing bumisita sa Pilipinas si Albanese sa susunod na buwan at magkakaroon sila ng pagpupulong.

Inihayag ng Chief Executive na isa ang pagpapatuloy na joint military exercise sa pagitan ng Pilipinas at Australia ang magiging agenda ng kanilang pag-uusap.

Ayon sa Pangulo, mahalaga na may ganitong pag- uusap lalo at may multiplier effect kapag may magandang koordinasyon sa hanay ng Armed Forces ng dalawang bansa.

Binigyang-diin ng Pangulo na sa nasabing joint exercise, mapapataas ang kapabilidad ng dalawang bansa partikular sa aspeto ng defense and security.

Bukod dito ay inaasahan din ng Pangulo na kanilang matalakay ang may kinalaman sa mga bagong agreement na may kinalaman sa partnership ng Pilipinas at Australia.

Sa darating na September 7, nakatakdang bumisita sa Pilipinas si Albanese.