Nakiisa ang Philippine Bar Association Inc. (PBA) at ang grupong ‘Tagapagtanggol ng Watawat’ sa malawakang pagkondena sa mga grupo na nasa likod ng organisadong panawagan para sa isang revolutionary government.
Sa isang public statement, sinabi ng PBA, sa pangunguna ng presidente nitong si Atty. Jose Perpetuo M. Lotilla, na ang panawagan para sa isang ‘RevGov’ ay naglalayong “magpunla ng binhi para gibain ang Rule of Law at ang Constitution.”
“There is a danger in letting movements like this fester without immediate action. This allows them to coagulate and gather. History shows that revolts do not happen overnight. It summons its strength over time and creeps on the unwary. It capitalizes on overconfidence. The greatest sin we can commit right now is to dismiss or ignore the true dangers these repeated calls for ‘revgov’ pose,” pagbibigay-diin ng PBA kasabay ng pagtukoy sa mga panganib na ibinabadya ng mga promotor ng ‘RevGov’.
Sinabi pa ng grupo na sinamantala ng mga nasa likod ng panawagan para sa ‘RevGov’ ang pandemya, krisis sa ekonomiya, at ang Presidency sa mga huling taon ng pagtatangka nito na agawin ang kapangyarihan sa gobyerno.
Nangako ang PBA na hindi nila papayagan na magtagumpay ang “defiant acts” na ito at hinimok ang lahat ng mga Filipino na pangalagaan ang kanilang kalayaan.
“We in the PBA will not stand idly by as this happens. So should every freedom-loving Filipino,” sabi ng grupo.
“We should not allow glamor- seeking upstarts to undermine the Constitution and cast the country to another dark era of chaos,” dagdag ng PBA.
Tagapagtanggol ng Watawat: ‘RevGov plotters, ikulong!’
Iginigiit naman ng ‘Tagapagtanggol ng Watawat’ ang pagdakip sa mga promotor at self-style revolutionaries na nasa likod ng panawagan para sa isang RevGov.
Binigyang-diin ng lawyers group, sa pangunguna ni Dean Jose Aguila Grapilon, na ang mga panawagan para sa isang RevGov ay “not protected speech, not sheltered by the Constitution and not made by, nor of, nor for the sovereign Filipino people.”
“We submit only to the rule of law, never to the rule of men,“ sabi pa ng grupo.
Iginiit din ng mga tagapagtanggol ng watawat na ang mga panawagan para sa isang RevGov ay isang banta sa pambansang seguridad dahil
layon nitong “walisin ang mga pananggalang, checks and balance at ang mga limitasyon sa kapangyarihan ng Estado.”
Idinagdag pa ng grupo na dapat isagawa ang pag-aresto dahil hindi umano sapat ang pagdedeklara lamang ng militar at pulisya na hindi sila sumusuporta sa mga nagsusulong ng RevGov.
Ipinaalala ng mga tagapagtanggol ng watawar sa mga freedom-loving Filipino na “we owe fealty to the Constitution alone, never to those ensconced in privilege nor to the transient occupants of public office.“
Dagdag pa ng grupo, ang lahat ng governnment authority ay nagmula sa mga malayang mamamayang Filipino.
“As Filipino citizens, we all have sworn our allegiance — as articulated in our Panatang Makabayan — to the Philippines as symbolized by our nation’s flag, our Watawat. Ipagtanggol natin ang Republika ng Pilipinas, ipagtanggol ang watawat!,” sabi ng grupo.