-- Advertisements --

Pinauwi ni Philippine Basketball Association (PBA) commissioner Willie Marcial ang isang referee dahil sa maling tawag nito.

Sinabi ni Marcial na nagkaroon ng maling tawag si Sherwin Pineda sa laro ng Rain or Shine at NorthPort nitong Linggo.

Dahil dito ay pauuwiin na lamang si Pineda pabalik ng Maynila mula sa ginanap na bubble sa Pampanga.

Ayon pa kay Marcial na mismong si deputy commissioner at technical committee head Eric Castro ang nagreview sa laro at nakita na mali ang tawag ng nagbanggit na referee.

Tinawagan niya kasi na foul si Paolo Taha ng NorthPort sa natitirang 1.3 seconds ng laro kaya nagkaroon ng pagkakataon na makapag free-throw si Rey Nambatac para maipanalo ng Rain or Shine ang laro 70-68.