-- Advertisements --
Makikipagpulong ang Philippine Basketball Association (PBA) sa Malacañang ngayong araw Abril 28 para sa planong pagbubukas ng kanilang 46th season.
Sinabi ni PBA commissioner Willie Marcial na makakasama nila ang Barangay Ginebra team governor para pag-usapan ang planong pagsisimula na ng liga.
Kakausapin nila sina Executive Secretary Salvador Medialdea at Senator Bong Go.
Ilan sa mga option na maaring ipatupad ay ang pagsasagawa ng closed-circuit set-up gaya ng bubble na kanilang ginawa sa Clark.
Magugunitang itong Abril sana ang pagbubukas ng liga subalit hindi natuloy dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19.
















