-- Advertisements --
Tumaas ng 3 percent ang pinautang ng mga bangko sa bansa para sa mga micro, small, and medium enterprises (MSME).
Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas na mayroong kabuuang P461.39 bilyon ang nailabas nilang pautang sa unang anim na buwan ng taon kumpara sa P447.7 bilyon na pautang noong nakaraang taon.
Nangangahulugan nito na mayroong 4.71 percent ang compliacne ratio sa pagtatapos ng Hunyo na base na rin sa nakasaad sa Magna Carta for SME.
Mayroong mahalagang tungkulin sa ekonomiya ang mga MSME na sila ang bumubuo sa 99.5 percent ng mga establishimento at 62.8 percent na total labor force.