CEBU CITY -Ikinatuwa ni Cebu City Mayor Edgardo Labella ang patuloy na pagtaas ng mga naka rekober sa COVID 19 nitong lungsod ng Cebu.
Lubos ding nagpapasalamat ang alkalde sa mga taong nasa likod ng NOAH Complex na nagsisilbing temporaryong quarantine facility sa mga nagpositibo sa COVID-19 at mga asymptomatic na pasyente.
Nakarekober mula rito ang 96 na indibidwal noong Lunes, Hulyo 20.
Nais pa ni Labella na ibahagi ng mga naka rekober na mga pasyente ang kanilang mga karanasan at para magbigay-aral sa ibang mga tao.
Samantala, 65 na pulis sa PRO-7 ang naka rekober mula sa nasabing virus.
Giit pa ni PRO7 Regional Director Police B/Gen. Albert Ignatius Ferro na patuloy pa rin ang kanilang laban at pananampalataya para malabanan itong pandemya.
Pinaalalahanan din nito ang publiko na dapat sumunod sa mga health and safety protocols upang tuluyang mabawasan ang mga kaso ng COVID 19 sa lungsod.