-- Advertisements --

Nakikiisa si Pangulong Rodrigo Duterte sa paggunita ng Ninoy Aquino Day o pagkamatay ni dating Sen. Ninoy Aquino, 37 taon na ang nakakaraan.

Sa kanyang mensahe, sinabi ni Pangulong Duterte na kinikilala ngayong araw ang buhay at ambag ni Ninoy sa pagpapangat ng buhay ng mga inaapi at napapabayaang mamamayan.

Ayon kay Pangulong Duterte, ngayong nahaharap tayo sa matinding global public health crisis, nawa’y tularan natin ang katapangan at patriotismo ni Ninoy para lahat tayo ay maging bayani sa pamamagitan ng pagiging disiplinado at reponsable sa kapwa.

Kasabay nito, nananawagan si Pangulong Duterte sa lahat na makipagtulungan sa gobyerno para mapanatiling ligtas ang ating sarili, pamilya at komunidad, gayundin maging bukas-palad magpaabot ng tulong sa kapwang higit na nangangailangan ngayong panahon ng pagsubok.