-- Advertisements --

Nakatanggap ang munisipalidad ng Pateros ng dagdag na P6 milyon na pondo mula sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) para sa pambili ng mga mobile tablets na gagamitin ng mga mag-aaral.

Sinabi ni Mayor Miguel “Ike” Ponce , na personal nitong tinanggap ang halaga mula kay PAGCOR Board na pinamumunuan ni Chairman at Chief Executive Officer Andrea Domingo.

Ayon pa sa alkalde na sa nasabing halaga ay maraming mga mag-aaral pa ang kanilang matutulungan lalo na at hindi pa ipinapatupad ang face-to-face classes.

Sa pahayag naman ng PAGCOR na maaring makabili na ng nasa 700 na mobile tablet ang nasabing halaga na ibibigay sa mga batang hirap sa pamumuhay at mga senior high school sa mga paaralang ng munisipalipad ng Pateros.