-- Advertisements --
Umabot na sa 61 katao ang bilang ng nasawi sa paglubog ng ferry sa northern Bangladesh.
Marami pa rin ang nawawala dahil sa insidente na patuloy na pinaghahanap.
Kabilang sa mga nasawi ang 28 babae, 18 bata na narekober ng mga rescuers sa lugar ng pinangyarihan sa Panchagarh.
Ito na aniya ang pinakamatinding aksidente sa dagat mula noong 2015 ng mayroong 78 katao ang nasawi ng bumangga ang overcrowded ferry sa isang cargo vessel sa west Dhaka.
Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa nangyaring aksidente.