-- Advertisements --

Inalerto na ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang personnel sa Maritime Group at Aviation Security Group para sa posibleng pagtakas ni Senador Ronald dela Rosa palabas ng Pilipinas.

Ito ay matapos na ituring na ng Department of Justice si dela Rosa bilang pugante at ipinag-utos na arestuhin siya sa bisa ng arrest warrant mula sa International Criminal Court (ICC).

GInawa rin ang direktiba matapos ibasura ng Korte Suprema ang hiling ng senador para sa paglabas ng temporary restraining order (TRO) sa naturang warrant.

Sa isang statement ngayong Huwebes, Mayo 21, sinabi ni PNP chief Gen. Jose Melencio Jr. na inalerto na nila ang police forces para paigtingin pa ang intelligence monitoring sa lahat ng exit points kabilang na sa southern backdoor.

Sa ngayon, itinuturing na ng ICC bilang wanted si dela Rosa para sa kasong crimes against humanity may kaugnayan sa war on drugs ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.