-- Advertisements --
Pumalo na sa 100 katao ang nasawi sa malawakang pagbaha sa Rio Grande do Sul sa Brazil.
Patuloy pa rin ang ginagawang paghahanap ng mga rescuers sa mga biktima na natabunan ng mga makakapal na putik.
Ang nasabing baha rin ay nagresulta sa pagkasugat ng ilang daang katao kung saan nasa mahigit 160,000 na mga residente na rin ang kanilang inilikas sa kanilag kabahayan.
Nagbabala rin ang mga otoridad na magkakaroon ng matinding pag-ulan sa mga susunod na araw.
Tiniyak naman ni Brazilian President Luiz Inacio Lula da Silva ang tulong na ibibigay sa mga residenteng naapektuhan.