-- Advertisements --
Mahigit 50 pa ang nadagdag na patay sa nakalipas na magdamag mula sa China, habang may mga nasawi rin sa Italy at Iran dahil sa coronavirus diasease (COVID-19).
Dahil dito, umabot na sa 2,764 ang kabuuang bilang ng mga nasawi dahil sa naturang sakit.
Nasa 80,996 naman ang mga nagpositibo sa virus mula nang una itong ma-detect noong Disyembre 2019.
Sa nasabing bilang, 8,839 o 18 percent pa rin ang nananatiling kritikal, habang 39,342 o 82 percent ang mild conditions.
Samantala, umaabot naman sa 30,051 ang mga naka-recover, matapos ang isinagawang quarantine sa mga ito.