-- Advertisements --

Lumobo pa sa 10,048 ang bilang ng mga nasawi dahil sa coronavirus disease (COVID-19).

Pinakamarami sa mga namatay ay mula sa Italy (3,405), sinusundan ng China 3,248, habang pangatlo ang Iran (1,284).

Kasabay nito, lumalaki rin ang mga naitatalang nagpopositibo sa deadly virus.

Sa kasalukuyan mayroon nang 245,912 infected sa buong mundo.

Aabot sa 140,014 (95%) ang nasa mild condition at 7,385 (5%) naman ang nananatiling serious o critical condition.

Samantala, nasa 88,465 naman ang mga naka-recover mula sa COVID-19 matapos ang gamutan at quarantine procedure.