-- Advertisements --
mount everest Nimsdai

Umakyat na sa 11 mountaineers ang patay sa ginaganap ngayong climbing season sa Mount Everest.

Pinakahuling biktima ay ang 61-anyos na American attorney na si Christopher John Kulish.

Ayon sa Tourism Department ng Nepal, bigla na lamang nawalan ng malay ang biktima matapos na makarating sa pinakatuktok ng bundok.

Mula kasi noong Mayo 20 ay maraming mga climbers ang na-stuck sa matinding trapiko sa taas 26,247 talampakan na bundok.

Tinatayang nasa mahigit na 300 katao ang nag-aantay para marating ang summit.

Samantala, itinuturo namang sanhi ng karamihang kamatayan ay ang kawalan ng oxygen habang sila ay nakapila at ang kakulangan ng kaalaman sa pag-akyat sa pinakamatayog na bundok sa buong mundo.