Nakamit ng Pasig City ang back-to-back na kampeonato sa katatapos lamang na Batang Pinoy na ginanap sa General Santos City.
Mayroong kabuuang 95 golds, 72 silvers at 87 bronze medals ang nahakot ng Pasig City sa iba’t-ibang multisports events.
Tinalo nila ang Baguio City ng apat na gintong medalya.
Noong nakaraang taon ay mayroong 105 gold medals ang Pasig City na may 13 na kalamangan na gintong medalya sa Baguio City.
Makakatanggap ang lungsod ng Pasig ng P5-milyon mula sa Philippine Sports Commission.
Mayroong 91 golds, 72 silvers at 74 bronze medals ang nahakot ng Baguio City.
Habang nasa pangatlong puwesto ang Davao City na mayroong 53 golds, 53 silvers at 65 bronze medals, pang-apat naman ang Quezon City na mayroong 45 golds, 51 silvers at 57 bronze at pang limang puwesto ang Manila na mayroong 43 gold, 37 silver at 32 bronze medals.
Makakatanggap naman ng P4 milyon ang pangalawang puwesto, P3-M naman ang pangatlong puwesto , P2-M naman ang pangalawang puwesto at P1-M naman ang nasa unang puwesto.















