Hindi na umano kailangang idaan pa sa quo warranto petition ang pagpapa-alis kay Army Lt. Gen. Antonio Parlade Jr. bilang tagapagsalita ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).
Ayon kay Sen. Panfilo Lacson, magreretiro na ngayong taon si Parlade kaya malabo na rin ang anumang legal na proseso para paalisin pa ito sa tungkulin.
Una rito, 15 senador ang humiling na paalisin ang Army official sa pagiging spokesman nito ng NTF-ELCAC dahil sa isyu ng umano’y red tagging sa mga nagsusulong ng community pantry at iba pang aktibidad.
Kaya naman, kakausapin na lang daw ni Lacson sina National Security Adviser Hermogenes Esperon at Defense Sec. Delfin Lorenzana para maiwasan na ang paglalabas ng magagaspang na salita ni Parlade, lalo na kung wala naman itong sapat na basehan.