-- Advertisements --

Hindi na pinagbabawalan ng organizers ng Paris Olympics ang pakikipagtalik.

Ayon kay Olympic Village director Laurent Michaud na sa katunayan aniya ay mayroong naka-stock na mahgiit 300,000 na condoms sa lugar.

Noong Tokyo Olympics kasi ay pinagbawalan ang pakikipagtalik sa Olympic Village dahil sa nasa ilalim pa noong banta ng COVID-19 pandemic.

Dagdag ni Michaud na ang nasabing kaparaanan ay para maging komportable ang mga atleta.
Ang Olympic village ay tirahan ng 14,500 atleta at staff.

Bukod pa dito ay naglaan din ang organizers ng nasa 400 yards ng buffet kung saan makikita ang iba’t-ibang pagkain mula sa buong mundo.

Mula pa noong 1988 Seoul Olympic Games ay nakasanayan na ang pagbibigay ng condoms bilang bahagi ng paglaban sa pagkalat ng sexually transmitted diseases at HIV.