-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Magsasampa ng kasong reckless imprudence resulting into double homicide at damage to property ang pulisya laban sa isang driver na nasangkot sa madugong aksidente sa Purok 1,Barangay Loguilo,Alubijid,Misamis Oriental.

Ito ay matapos dead on the spot ang misyonaryong pari na si Rev Fr Ike Jumao-as,39 anyos na tubong bayan ng Balingasag subalit pansamantala nakatira sa nabanggit na bayan at ang isang Angelina Sabellina,56 anyos nang mabangga habang sakay ng tricab ng Toyota Innova na minaheno ni Majid Cabughatan na taga- Marawi City.

Sa panayam ng Bombo Radyo, inihayag ni Alubijid Police Station commander Capt Lister Ceriales na parehong patungong Iligan City ang direksyon ng dalawang sasakyan nang bigla umanong nag-U turn ang sinakyan ng biktima kaya nahagip ng mabilis na takbo na minaneho ni Cabughatan.

Inihayag ni Ceriales na aminado naman ang suspek na siya ang nagkasala at nangako na sasagutan ang nasangkutan na aksidente.

Sugatan rin sa nabanggit na road crashed ang driver ng tricab na si Jessie Sabellina bagamat nasa ligtas ng kalagayan.