-- Advertisements --
Walang senador ang tumutol at nag-abstain kaya naipasa sa ikatlo at huling pagbasa ng senado ang panukalang batas na baguhin ang disability pension ng mga beteranong may kapansanan.
Sa ilalim aniya ng Senate Bill 1489 ay itataas ang halaga ng disability pensiyon ng mga beterano mula P4,500 hanggang P10,000 kada buwan at P1,000 para sa asawa at bawat menor-de edad na anak.
Sa kasalukuyan kasi ay mayroong P1,000 hanggang P1,700 ang buwanang pension ng mga beteranong sundalo at mga sustentado.
Ayon kay Senate National Defense Chairman Jinggoy Estrada na sa loob ng 29 ay hindi pa ito nababago ang pensiyon ng mga beteranong may kapansanan.
Mararapat aniya na magkaroon na ng pagtaas ng pension dahil sa patuloy ang pagtaas ng bilihin sa bansa.